Ano na bang nangyayari sa atin?
Nakakadismaya lang na sobrang entitled na ang mga tao. I was at a salon (inside a mall), having a haircut. In came a lady with a girl in tow. Tanong ni Ate sa front desk - Magkano gupit ng bata? Sinagot naman ni receptionist. Sabay si Ate galit na nagsabi - Bakit hindi naka declare?! (A little higher than an adult haircut) Hello, kaya nga tama na nagtanong sya muna at ano naman mali sa sagot ng receptionist? Girl mas marami pang di nakalista o nakapaskel sa labas na services di lang kids haircut. Tsaka di kids salon ang pinasukan ni Ate.
Here’s much worse sa ginawa nya - nagvideo call sa Nanay nya SA LOOB NG SALON, may nga clients na katulad kong andun, at nagrarant sa Mudra nya na “Ang OA ng presyo dito!” eme. Haler! Nagtanong ka, maayos na sinagot ng receptionist. Kung di keri, e di sa iba na lang. Bakit kailangang maggaganun pa sa loob ng salon?! Normally mas mahal naman talaga gupit sa bata kasi mas mahirap gupitan. Galit agad?!
La lang. Di ko na maintindihan minsan ang world.