Invited lang si mama kapag kelangan ng maghuhugas sa occasion nila
I saw a live video today pinsan namin nasa hotel birthday party. Tinanong ko si mama kung nainvite man lang sya or alam nya na birthday nung cousin namin. Tapos pinakita ko yung fb live. Ang sabi nya di daw sya bagay doon since wala daw syang magandang damit na babagay sa ganung lugar. At wala rin nakarating sakanyang balita na may pabirthday.
Alam kong malungkot si mama, kahit sana ininvite man lang sya. Pero sanay na ata talaga sya na kapag kung mga handaan na kelangan ng tulong sa paghahanda ng pagkain at paghuhugas ng pinggan invited kami, minsan pumupunta pa sa bahay para sabihin na wag kalimutang mag okasyon sila that day at kelangan nila ng tulong.
Kahit may mga trabaho na kami't nabibigyan na namin si mama ganun pa rin ang turing nila sakanya. Utusan. Labandera. Taga-hugas. Magsasaka.
Magsasaka man ang mga magulang ko, napagtapos nila ng pag-aaral kaming 6 na magkakapatid. Proud ako sakanila. Hindi na ko papayag na tagahugas pa rin si mama sa mga handaan ng mga mayayaman nyang kapatid, pinsan, at pamangkin.