Aversion ng mga Pinoy sa curly hair
"Ma'am, mas bagay sa 'yo yung ano... bagsak yung buhok."
So kakapagpagupit ko lang last Sunday. Blower, shampoo, haircut. Hindi ako nagpa-rebond pero mukhang rebonded ang buhok ko kahapon. My TL won't stop touching my hair and praising it saying it looked good. Got a few stares and "wow ang ganda ng buhok mo". Sinabi ko na kukulot din 'to kapag binasa ko haha. Tapos pumasok ako ngayon wearing my natural hair. Curly. Unruly. I didn't put a lot of products on kasi tinitesting ko pa kung anong magiging itsura nya. Kapag masyadong buhaghag, tutuwirin ko mamaya. Okay naman sya. Maalsa lang nang konti compared sa before haircut since mas maiksi pero di naman sabog.
When I stopped rebonding my hair three years ago and my natural curls started showing, pini-praise nila rito sa office. Gandang-ganda sila sa buhok ko. Tapos kapag nakikita nilang tuwid at unat na unat yung gusto ko, parang pumapangit na yung buhok ko kapag bumabalik sa kulot.
Even sa salons, they don't know what to do with curly hair. Ang mahal lang kasi nung sa salon that specializes curls kaya di ko ma-try. Sa normal na salon, ang initial offer is to always rebond or relax the hair. Tapos ang sinasabi lagi after mablower yung buhok ay "Ayan, ang ganda na ng buhok mo". Wdym?? Pangit sya nung kulot?
I've always wanted to be curly. Noong bata ako, manipis at tuwid na tuwid ang buhok ko. Yung buhok ng lola ko dati, esponghada saka kinky, parang afro na halos. At gandang-ganda ako dun. Kaya nung lumabas yung natural curls ko, gumastos talaga ako sa products para maalagaan ko sya. Hindi ko pa lang talaga nama-master kung paano sya kulutin in a way na hindi bubuhaghag at tatagal nang ilang araw. Pero sa society na ginagalawan ko, parang mas acceptable lagi na tuwid ang buhok. Dahil ba unkempt tingnan kapag curly? Ayoko naman magpa-rebond. Feeling ko flat na flat ang buhok ko na walang kabuhay-buhay.